BabyLoves,
Ano ba ang problema mo at bigla bigla ka na lang magseseryoso nang wala
sa oras. Tapos tatanungin mo pa ako kung CRUSH
kita. Manhid ka nga siguro kasi nasabi mo lang naman yan kasi me nagsabi
sayo diba? Hindi mo nga naramdaman na 4 months na kong nagtitiis sa
nararamdaman ko na to e. Nung una di mo halata kasi nilalakad pa kita sa
kaibigan ko. Kaso mas lalo lang pala ako mahuhulog sayo dahil sa ginagawa ko.
Oo, naaasar ako sa kamanhiran mo. Sa iba ka kasi lagi nakatingin e.
Nasa iba lagi ang atensyon mo. Kaya paano mo malalaman at makikita na gusto
kita diba? Oo, di kita crush kasi masyado nakong matanda para dun. Gusto kita
pero wala akong balak na ipaalam sayo nang diretsahan. Mahirap na.
Nung nagkasakit ka, di mo alam kung gaano ako nag-alala. Di kasi ako
sanay na matamlay ka, kaya kahit nakakatamad bumaba sa mini stop, ginawa ko,
maging okay ka lang. Di ko to isinusumbat. Nakukwento ko lang. Pero after nun, sa
iba pa rin yung atensyon mo. Ano bang magagawa ko di ba. Umpisa pa lang, alam
kong talo na ko e. Kaso, tanga ko rin e,
umaasa pa rin ako na baka sakaling makita mo rin ako.
Pero hindi e, you will never see
me. You will never see me dahil
lagi ako ng least sa listahan mo. Sabagay, sino nga ba ang makakapansin sa
babaeng mas lalaki pa sa lalaking gusto niya. Babaeng di takot sa insekto, pero
takot magmahal at masaktan. Babaeng brutal pero malambot at iyakin pala. Ano
nga ba ang alam mo sakin, wala naman dib a? Kilala mo ako bilang si Lhy. Pero di
mo ako ki;lala bilang si ______. Hays,
drama ko na ba? Oo ganito ako kadrama, kaemo o kung anu anu pang term? Iyakin
ako, nakita mo na ko umiyak diba? Pero di mo ba alam na partly, isa ka sa
dahilan bat ako umiiyak?
Umiiyak ako noon kasi nalilito ako dahil di ko alam kung mahal ko pa ba
si EX o ikaw. Alam ko nahuhulog na loob ko sayo nung mga time na wala si EX ko.
Pero ang hirap din pala magtago nang ganun sa dibdib noh. Kaya ako iyak na iyak
kasi di ko na kaya. Tapos tatanungin mo pa ko at aasarin kung bakit ako
umiiyak. Upakan kaya kita diyan. Hmp.
Hays. Tapusin na nga natin tong kalokohan na to. Tama ang mga kaibigan
ko, sayo lang ako ganto, brutal, maalaga o kung ano ano pa. Kasi MAHAL kita. Pero wag kang mag-alala,
wala akong balak ipaalam o sabihin ito sayo nang harapan. It’s either di mo ko
maintindihan, iwasan mo ko, o sabihan mo ko na kalimutan kita. Ayoko rin naman
na humigit pa tayo sa pagiging frienemies na relationship natin ngayon. Mas
kukumplikado lang ang lahat. Magulo ang buhay ko. At ikaw naman, magulo din for
sure, o kung hindi man, perfect ang buhay mo. Ako, I’m so messed up! Di tayo
bagay. I’m bad, a bitch and I do anything without thinking of the consequences
of my act. Careless. Ikaw, you think before you do a thing. You are calm at di
nagmamadali. Gago kalang makipag-usap. Pero tama nga, di tayo pwede kasi we are
poles apart.
Saka kung sakali man na magawa natin maging more than what we are right
now, sigurado ako, it’s either, ako ang masaktan, o ikaw ang masaktan ko. Oo,
napakapessimistic ko. Pero atleast future thinker ako. Para wala nalang
masaktan sa ating dalawa.
Mahal kita. Di ko alam kung
paano, kelan at kung ano ang dahilan para humantong ito sa ganito. Pero pinapangako ko sayo, handa kong itago
ito at ibaon sa limot wag ka lamang lumayo. Ingat ka palagi. Alam ko di mo ito
mababasa, pero isusulat ko pa din.
Nagmamahal nang lihim,
Nagmamahal nang lihim,
BADAMS <3