Dear BHIE 06,
Hello. Ewan ko kung bakit nagkakaganito na naman ako. Namimiss na naman kita. Hays. Hirap pa din ako tanggapin lahat nang nangyari. Ewan ko ba, tanga pa din ako hanggang ngayon. :(
Tatlong
(3) buwan na pala ngayon, simula nung nagbreak tayo. Oo, tanda ko pa. Siyempre,
araw yun bago ang birthday ko diba? Sakit nga nun e. Yun ang naging advance
birthday gift mo sa kin. Balde-balde lang naman ang niluha ko nun. Di obvious
noh? Pastrong kasi ang ex-girlfriend/boyfriend mo e. Takot ipakita sa kahit
sino na mahina rin siya. :(
Tapos,
di ko naman alam kung ano yung naging mali ko kaya mo ko hiniwalayan. You left
me hanging, clueless and in pain. Sabi mo dati, di mo ko sasaktan kasi ayaw mo makita
yung mata ko na umiiyak kasi special yung mata ko diba? Kaso bakit mo ko
sinaktan, di mo baa lam na sa simpleng “AYAW KO NA”, napaiyak mo na ko…:(
Nasaan na yung pangako mo? Di ba, ang dami natin pangarap at pangako na tutuparin pa natin. Madami pa tayo patutunayan di ba? Ganun na lang ba yun? Kalimutan na lang natin ang lahat? :(
Para pa
rin akong tanga no? Sinusulatan kita kahit alam ko naman na hindi mo mababasa.
Dahil kahit kelan, ayaw mo na ako makausap di ba, for some unknown and
inexplicable reason di ba? :(
Di ko alam kung kelan ako magiging okay, BHIE. Di ko pa alam sa ngayon. Mahirap kalimutan ang isang tulad mo. Hindi ka man kasing yaman nung kinukwento ko sayo dati o kasing pogi nung crush ko na sinasabi mo. Ikaw pa din yung pinakanatatanging lalaki na alam kong nakapagpasaya at nakapagbigay kulay sa buhay ko sa loob nang higit isang taon. Sana kung ano man yung dahilan mo kung bakit tayo nagkaganito, masabi mo na sa kin bago mahuli ang lahat.
Belated happy 14th monthsary bhie. Mahal na mahal pa din kita. Ingat ka lagi… :(
Sincerely,
Bakla <3
No comments:
Post a Comment